RSS Subscribe

Banner

Home » » Pananaludtod by John Cristopher Avelino

Pananaludtod by John Cristopher Avelino

Written By (sagada genuine guides association inc). on Sunday, May 9, 2010 | 1:07 AM

Pananaludtod
Nilipad palayo ng aking diwa at katawan ang
Nakakasilaw na dilim ng SM, Brintone at DBP,
Sa gitna ng tawanan nila Nora, Darlene at Sam, baon ang
Waring di masilat at musika ni Zsa Zsa at Martin bilang soundtrack.

Kalahating araw iwinagayway ang mga pakpak na
Kinanti ang dilim sa timog, at sumindi sa araw sa hilaga,
Ikinahon ang Glade Gel Freshener amoy Morning Freshness at
Ipinalit ang samyo ng pine at lamig na ikinabigla ng tiyan.

Nagpunta sa john, sinundan ang daluyong ng flush water
Patungo sa hindi mabilang na kabundukan na mistulang hinahabol ang
Hininga ni Streisand. Nagpahandusay, at di nagtagal, nagising
Sa dilaw na Winnie-the-Pooh bedsheet sa inn ni Tita Mary.

Kumain ng Vegan Sausage sa Salt and Pepper. Hindi nakuntento ay
Tumungo sa Yoghurt House, sa tindahan upang bumili ng Century Tuna.
Nagpakabusog kasabay si Kris at Juday at na-miss ang sunrise sa Kiltepan.
Bagkus sinungkit ang natirang bituin mula sa bintana ng Lusban!

Sinuong ang kakiputan ng Lumiang. Nagasgas, napadausdos, napatili,
Hanggang narating ang Sumaguing. Muling nakita ang Hari at Reyna
Bago pa matuklaw ng ahas at matapakan ng dinosaur.
Nagtatalon sa dance hall kasama ng mga paniki at nag-pictorial.

Sa human bridge naalala ang third stage ng Cave Connection, tumawa,
Isinigaw ang pangalan ni Jericho Rosales at nakarating sa Echo Valley,
Kung saan ang mga nahimlay sa Hanging Coffins ay nabulabog at
Isinumpa ang aking tiyan matapos kumain sa Lemon Pie House ni Manang Katrina.

Inakyat ang Ampacao at umikot ang mga mata sa kahiluhan, nagpatalon-talon
Mula sa Sagada, Ilocos Sur, Besao, hanggang sa mga naghuhunting na Ifugao.
Matapos ay nabulag sa sensasyon ng gin at Sprite, nag-konsiyerto at
Bahagyang lumuha na may kasamang sinok sa pagkapikon sa country music.

Dinoktor ni Ate Jo ang aking paningin sa kanyang halakhak at
Nakita ang sunog kong sinaing na aking naubos.
Matapos ay tinikman namin ang pinakuluang baboy ng Igorot na
Kumabog sa mga lutong may sangkap na MSG.

Pinausbong ni Kuya Ben ang apoy sa bonfire sa ilalim ng crescent moon,
Sa gitna ng katahimikan at lamig ng aking huling gabi at mga punong pine,
Habang pinikpik nila Kuya Marky at Eddie ang buhay na manok.
Nagsisigaw ang mga multo sa kabundukan at kami, nagkatuwaan.

Sumuot sa aking puso't kamalayan ang linamnam ng Pinikpikan, ang usok ng
Bonfire, ang malamig na hangin na amoy pine, ang mainit na araw na
Nakapagpa-tan sa aking balat, ang bawat araw na kasama si Kuya Ben,
Ang simplisidad ng buhay sa Sagada, ang lahat ng bagay sa Sagada.

Sa pagsikat ng araw, aking binagtas ang Echo Valley at sumumpang magbabalik,
Nagpasalamat sa mga sandaling naghatid ng kapayapaan ng isip at pagbabago ng puso,
Bago bumalik sa nakakasilaw ng dilim ng SM, Brintone at DBP,
Baon ang amoy ng pine habang nakikanta kay Pops ng "Don't Say Goodbye".

Lumubog ang araw, pumailanlang muli ang crescent moon.
Muli kong nilingon ang Cordillera na noo'y kinakain na ng takipsilim.
Nanikip ang aking lalamunan, hindi nagpaawat ang luha sa pagpumiglas
Isang pansamantalang pamamaalam.

Ngayon nanahan na sa isip
Ang bawat ala-ala ng nagdaang linggo ng paglipad.
Suot ang aking dilaw na Ninoy shirt galing sa Bench,
Payapa at patuloy akong lilipad sa aking pananaludtod.

March 23, 2010
Share this article :

+ comments + 10 comments

sagadablues
May 9, 2010 at 3:29 PM

wow,nice nice nice,gawa po kayo 2nd chapter,hehe

Anonymous
May 9, 2010 at 9:10 PM

@john: you just captured the feeling of every person, traveller or tourist alike, who have seen Sagada. Hats off to you. clap! clap!

-mo

Anonymous
May 11, 2010 at 4:16 PM

Truly magnified the hearts of tourists who have experienced the Sagada adventure. Thanks for translating our tremendous feelings tru your poem. Kudos to u!!

Anonymous
May 12, 2010 at 7:56 AM

very nice...i want to go back to sagada again...

May 12, 2010 at 11:47 PM

hello---was in Sagada last April 28-May 2. had one of the best experiences in my life. Had a guide from SAGGA named APS and we were really satisfied with his service.Very memorable indeed....hope we could have stayed a little longer. Thanks Aps...and as promised, I blogged about our adventure.please check it out if you have time.

http://www.pusangkalye.net/
http://www.pusangkalye.net/2010/05/my-first-spelunking-experience.html

Jaycee Avelino
May 29, 2010 at 10:28 PM

Hi everyone! THANK YOU for your comments! They're very much appreciated. I just saw my post now. So graced with elation in reliving these beautiful moments right here on this weblog!

@mo: Sure!

Jaycee Avelino
May 29, 2010 at 10:37 PM

To the admin of this weblog, THANK YOU for publishing my poem here! So glad to see it here, right where it should belong! I appreciate it very much. :)

Jaycee Avelino
May 29, 2010 at 10:45 PM

Oh sorry. Kay sagadablues pala yung "Sure!".
@mo: Thank you!

Anonymous
July 11, 2010 at 9:42 PM

Thanks for sharing your poem, Jaycee! So when are we going to see each other there again?

Jaycee Avelino
August 26, 2010 at 9:42 PM

Maybe this October. Hopefully. :)

Post a Comment

Welcome to Sagada

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2013. SAGGAS - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger